pagkatapos alamin, at handa nang harapin, ugaliing mag-combantrin!
I.
attention miss waist line ng bayan: di porket uso ang wide belt ay ibig sabihin bagay ito sa iyo. dahil kung may bilbil ka, imbis na isa lang, dahil sa wide belt.. dalawa na sila.
at dapat mong tanggapin na dahil nasa tropical country tayo, malamang may bulate ang anak mo, at wala siyang takas dito.
pagkatapos alamin, at handa nang harapin, ugaliing mag-combantrin.
II.
attention miss ex: naaalala mo ba yung first love mo? yung lalaking akala mo makakasama mo habambuhay? noong isang hapon, sa ilalim ng mga gumamela, na tinabi ka niya, at sinabi niyang.. "its not you, its me."
it was you.
at dapat mo ding tanggapin na dahil nasa tropical country tayo, malamang may bulate ang anak mo, at wala siyang takas dito.
pagkatapos alamin, at handa nang harapin, ugaliing mag-combantrin.
III.
attention miss inggit sa college rival:
maganda siya, matalino, mabait.. sobrang seksi niya na kapag naliligo siya sa batis, pati ang mga isda'y napapa-"haaay!". mas mayaman pa siya. pero ang tanong diyan, masaya ba siya?
actually, oo. masaya siya.
at dapat mo ring tanggapin na dahil tayo'y nasa tropical country, malamang may bulate ang anak mo at wala siyang takas dito. di yan masaya.
pagkatapos alamin, at handa nang harapin, ugaliing mag-combantrin.
| |
|